October 29, 2009 naiwan ako mag isa sa Baguio, umuwi mga kaibigan ko sa POORbinsya nila [Joke lang c: ]. Nagutom ako nagpunta ako ng SM para bumili ng makakain siyempre. Napunta ako ng Quantum [Oo, yung amusement center sa SM Baguio] nakakita ako ng nagsasayaw sa kawalan na parang tanga, naglalaro ng baril-barilan na pakiramdam nila eh makatotohanan, shoot-shootan habang nagyayabang, suntok-suntukan, una-unahan. Pero wala silang saysay sa tala kong ito.
May umagaw ng pansin ko sa lugar na yun, nakakita ako ng batang lalaki, mataba siya, gusgusin [kakatapos lang niya ata kumain ng paborito nyang ice cream ] sa tingin ko mga 6 years old lang siya. Nasa palaruaan ng karera ng mga sasakyan, USA Daytona ata yung name nun. Wala lang, nakakatuwa siya tignan, aliw na aliw siya sa nilalaro niya tapos hindi maabot ng maikli nyang binti ang accelerator. Nakita ko may nanood sa likod, his Mom. Tuwang tuwa yung mama nya habang pinapanood siya . Naalala ko bigla Mom ko, wala lang, wala akong matandaang moment na nangyari samin yun ni mama. Sa sobrang inggit ko umalis na lang ako, nagpunta ako sa isang store, nakakita ako ng isang binata, napili siya ng damit niya, nakapili, umalis, saan siya pumunta?, to his Mom. Naalala ko ulit si mama ko, Masaya kasi pag si mama kasama ko mamili ng damit, siya nagbabayad eh [Haha. Except namimili siya para sakin. :p]
16 years na akong nag aaral, nakasama ko lang Mom ko sa mga panahong umakyat ako ng stage eh noong graduation ko lang ng High School ako. Wala ng iba, the rest? my very own Lola. Wala din akong matandaan na tinuruan ako ng Mom ko about sa mga subjects ko sa school. Kahit 1 + 1, hindi ko sakanya natutunan, unang kantang natutunan kong awitin, title niya “Miss na Miss Kita” ng Aegis hindi din siya ang nagturo. Kung bibilangin, mas maunti ang panahon na nagkasama kami ng Mom ko kaysa sa magkalayo kami. Hindi ko man natutunan sa tulong ni Mama ang mga nakasulat sa librong nabasa at napagaralan ko na, sakanya ko naman natutunan at nalaman kung paano maging isang William na hindi natutunan ng iba.
Ma, wag ka mag alala, mapapagsuot kita ng gown gaya ng pangarap mo para sa graduation ko ngayong kolehiyo, Miss you Mom, Thank You so much. I Love You.