Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.
Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.
Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.
No comments:
Post a Comment