Thursday, April 30, 2009

Nakakaadik. Tsokolate...

araw, gabi
init, lamig
makmatam kang labis
tanging hangad at nais

pag dampi ng aking labi tulad ng isang halik
talaga namang nakakaadik
hinahanap-hanap, nakakapanabik
siguradong walang kasing tamis

nagpapatamis ng buhay ko
salamat, merong tulad mo
nagaalis ng kalungkutan ko
kahit kailan itatabi kita sa puso ko

Kaakit-akit. Bahaghari...


bahaghari...

pag litaw mong pambihira
ng sangkatauha'y masisilayan
ako na tanging puso ang tangan
hindi ka dapat makaligtaan

hangad na parati kang masilayan
hindi ka na babalik sayong pinanggalingan
puso ko ang magsisilbing himlayan
pangako hanggang kamatayan




Monday, April 27, 2009

Isang Malaking Kaepalan

Wala lang ako magawa nung ginawa ko to, nakakapagod naman daw kc gumawa ng wala kaya eto ung nangyari. Bigla ko lang naisip na gumawa ng banner na pang promote sa blog ko, sabi ko sayo isang malaking kaepalan lang 'to e.

Gusto ko din sana gamitin para banner ko sa blog na 'to kaso wag na lang muna, nakakatamad, OO innate sakin yung katamaran ko. Kahit simpleng bagay pag tinamad ako, hindi ko talaga gagawin. Hehe.




"Suntok, mura, sampal o sipa man ang matanggap mo
wag kang susuko. Yun lang naman yun.
Maiwan at masaktan na ang lahat,
wag lang ang puso at utak mo. Masakit yun. Promise!"

-wiLL