Friday, October 30, 2009

Missing you, MY WOMAN

October 29, 2009 naiwan ako mag isa sa Baguio, umuwi mga kaibigan ko sa POORbinsya nila [Joke lang c: ]. Nagutom ako nagpunta ako ng SM para bumili ng makakain siyempre. Napunta ako ng Quantum [Oo, yung amusement center sa SM Baguio] nakakita ako ng nagsasayaw sa kawalan na parang tanga, naglalaro ng baril-barilan na pakiramdam nila eh makatotohanan, shoot-shootan habang nagyayabang, suntok-suntukan, una-unahan. Pero wala silang saysay sa tala kong ito.

May umagaw ng pansin ko sa lugar na yun, nakakita ako ng batang lalaki, mataba siya, gusgusin [kakatapos lang niya ata kumain ng paborito nyang ice cream ] sa tingin ko mga 6 years old lang siya. Nasa palaruaan ng karera ng mga sasakyan, USA Daytona ata yung name nun. Wala lang, nakakatuwa siya tignan, aliw na aliw siya sa nilalaro niya tapos hindi maabot ng maikli nyang binti ang accelerator. Nakita ko may nanood sa likod, his Mom. Tuwang tuwa yung mama nya habang pinapanood siya . Naalala ko bigla Mom ko, wala lang, wala akong matandaang moment na nangyari samin yun ni mama. Sa sobrang inggit ko umalis na lang ako, nagpunta ako sa isang store, nakakita ako ng isang binata, napili siya ng damit niya, nakapili, umalis, saan siya pumunta?, to his Mom. Naalala ko ulit si mama ko, Masaya kasi pag si mama kasama ko mamili ng damit, siya nagbabayad eh [Haha. Except namimili siya para sakin. :p]

16 years na akong nag aaral, nakasama ko lang Mom ko sa mga panahong umakyat ako ng stage eh noong graduation ko lang ng High School ako. Wala ng iba, the rest? my very own Lola. Wala din akong matandaan na tinuruan ako ng Mom ko about sa mga subjects ko sa school. Kahit 1 + 1, hindi ko sakanya natutunan, unang kantang natutunan kong awitin, title niya “Miss na Miss Kita” ng Aegis hindi din siya ang nagturo. Kung bibilangin, mas maunti ang panahon na nagkasama kami ng Mom ko kaysa sa magkalayo kami. Hindi ko man natutunan sa tulong ni Mama ang mga nakasulat sa librong nabasa at napagaralan ko na, sakanya ko naman natutunan at nalaman kung paano maging isang William na hindi natutunan ng iba.

Ma, wag ka mag alala, mapapagsuot kita ng gown gaya ng pangarap mo para sa graduation ko ngayong kolehiyo, Miss you Mom, Thank You so much. I Love You.

Monday, October 12, 2009

TO BEAT More or Less 30Mins.

Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.

Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.

Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.