• Home
  • Posts RSS
  • Comments RSS
  • Edit
Blue Orange Green Pink Purple
.

Missing you, MY WOMAN

October 29, 2009 naiwan ako mag isa sa Baguio, umuwi mga kaibigan ko sa POORbinsya nila [Joke lang c: ]. Nagutom ako nagpunta ako ng SM para bumili ng makakain siyempre. Napunta ako ng Quantum [Oo, yung amusement center sa SM Baguio] nakakita ako ng nagsasayaw sa kawalan na parang tanga, naglalaro ng baril-barilan na pakiramdam nila eh makatotohanan, shoot-shootan habang nagyayabang, suntok-suntukan, una-unahan. Pero wala silang saysay sa tala kong ito.

May umagaw ng pansin ko sa lugar na yun, nakakita ako ng batang lalaki, mataba siya, gusgusin [kakatapos lang niya ata kumain ng paborito nyang ice cream ] sa tingin ko mga 6 years old lang siya. Nasa palaruaan ng karera ng mga sasakyan, USA Daytona ata yung name nun. Wala lang, nakakatuwa siya tignan, aliw na aliw siya sa nilalaro niya tapos hindi maabot ng maikli nyang binti ang accelerator. Nakita ko may nanood sa likod, his Mom. Tuwang tuwa yung mama nya habang pinapanood siya . Naalala ko bigla Mom ko, wala lang, wala akong matandaang moment na nangyari samin yun ni mama. Sa sobrang inggit ko umalis na lang ako, nagpunta ako sa isang store, nakakita ako ng isang binata, napili siya ng damit niya, nakapili, umalis, saan siya pumunta?, to his Mom. Naalala ko ulit si mama ko, Masaya kasi pag si mama kasama ko mamili ng damit, siya nagbabayad eh [Haha. Except namimili siya para sakin. :p]

16 years na akong nag aaral, nakasama ko lang Mom ko sa mga panahong umakyat ako ng stage eh noong graduation ko lang ng High School ako. Wala ng iba, the rest? my very own Lola. Wala din akong matandaan na tinuruan ako ng Mom ko about sa mga subjects ko sa school. Kahit 1 + 1, hindi ko sakanya natutunan, unang kantang natutunan kong awitin, title niya “Miss na Miss Kita” ng Aegis hindi din siya ang nagturo. Kung bibilangin, mas maunti ang panahon na nagkasama kami ng Mom ko kaysa sa magkalayo kami. Hindi ko man natutunan sa tulong ni Mama ang mga nakasulat sa librong nabasa at napagaralan ko na, sakanya ko naman natutunan at nalaman kung paano maging isang William na hindi natutunan ng iba.

Ma, wag ka mag alala, mapapagsuot kita ng gown gaya ng pangarap mo para sa graduation ko ngayong kolehiyo, Miss you Mom, Thank You so much. I Love You.

Read More 0 comments | Posted by wiLL | edit post

TO BEAT More or Less 30Mins.

Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.

Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.

Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.

Read More 0 comments | Posted by wiLL | edit post

My Second Hometown at 100...

This post is in line with the celebration of 100 years of Baguio.


Floral whiff, strawberry spree, endless sweetness of peanut brittles, cultural variations, amazing 360 degree head turning scenic view. Some of these are so popular to the people of the Philippines, not only native Filipinos but also different tourist around the world. This is Baguio, the summer capital of the Philippines. But also some of them only know that September 1, 2009 is the Baguio Centennial celebration and Fostering a culture of caring as the theme.

Oh well, of course like the conventional way I would like to congratulate the City of Baguio for celebrating 100 years of caring, keeping the ingenuity and as well as promoting the culture of its own.

- - Kung alam lang nila kung gaano ka kayaman, mas mayaman ka pa sa gobyerno - -

Baguio City, I almost stayed three and half year here, I deem this place as my second hometown where I leaned the true significance of education, the ups and downs of love and most of all the respect for friendship.

All in all, more than 35 times na din ako akya't baba ng Baguio, dahil sa enrollment, term break, Christmas break, Semstral break at kung ano - ano pang break. Masasabi ko, dami din nagbabago sa Baguio. Climate, weather, policies, structures, people halos lahat. Sa malamig na lugar na ito hindi lang nagbago ang mainit na pagtanggap sakin ng mga tao. Dito ko nakita ang totoong paraiso, na kung saan pwede kang gumawa ng kabaitan, mga panahong masasadlak ka sa kasamaan at iba't ibang uri at klase na magpapasaya sayo. Kaibigan, Kaklase at kaIBIGAN. Madami din akong natutunan dito, magbilang na ang simula ay 0, natuto din akong tignan ng mabuti ang dinadaanan ko lalo na pag foggy [Hehe. Makakabangga ka for sure pag hindi mo ginawa ang sinabi ko.], first time kong lakarin ang mall [SM, malapit lang sa dorm namin eh. Hehe] at madami pang iba pero higit sa lahat wala ng makakatalo pa ay ang natutunan ko kung pano makipag kapwa tao, sa dami ng kultura at iba't ibang lahi na nandito sa Baguio ay talagang sinubok ang pakikisama ko sa mga tao.


Madaming Salamat sayo Baguio. Hinubog mo ako.

Read More 7 comments | Posted by wiLL | edit post

Taghoy ng Isang Estudyante! (Dos)

Mabigat na...
Hindi ko mapigilan, hindi ko lalong maiwasan.
Mabigat na katawan, nahihilong utak.
Nagpapanting na tenga mula sa naririnig,
Paborito ko na ang mga letrang B--O--R--I--N at G!..

Bigla 'kong natanong...

"Ako lang ba ang nakakaramdam nito?!"
Sila'y nagsasaya habang ako inaantok na! Whaaa.

- Bzzzt!! - [Pikit ang mata, sarado talukap]

Read More 2 comments | Posted by wiLL | edit post
Older Posts

Bolex Ni William

  • THE CULPRIT

      This is me. Engot ako. Sabi nila.

  • BLAAAHS!

    SHOTS OF DUH!

    MY BOLEEI

    • Ang Kwento at Kwenta ng Layp
    • Blogs Ng Pinoy
    • Breaking The Silence
    • Chorva blog Awards
    • CrossrRoads
    • Imahinasyon-Paglalapat-Pagbabago
    • Jologs na Yuppie
    • just-per-mark
    • LockedUpMind
    • Mike and More
    • On My Own
    • Sa Panulat Ni...
    • Solvo Vestri Sententia
    • Stayin' Alive...
    • Super Gulaman
    • Tambaytambayan
    • VERSES and RHYMES
    • WebLog ni Kabute
    • Written Feelings

    PHALOH MEE!

    ARCHIVE

    • ▼  2009 (15)
      • ▼  October (2)
        • Missing you, MY WOMAN
        • TO BEAT More or Less 30Mins.
      • ►  September (1)
        • My Second Hometown at 100...
      • ►  August (2)
        • Taghoy ng Isang Estudyante! (Dos)
        • Po-Po-Po-Po Poker Face
      • ►  June (1)
        • (Hindi ko alam ang Title.. ^^)
      • ►  May (1)
        • Maraming 'K', Karanasan.
      • ►  April (3)
        • Nakakaadik. Tsokolate...
        • Kaakit-akit. Bahaghari...
        • Isang Malaking Kaepalan
      • ►  March (2)
        • Distortion of REPEL to ATTRACTION
        • Ambivalent Verdict
      • ►  February (2)
        • Brave New World
        • Taghoy ng isang estudyante (Uno!)
      • ►  January (1)
        • Hinaing ng may sala..
    • ►  2008 (5)
      • ►  November (1)
        • tulang hindi masabi...
      • ►  October (4)
        • Araw na nila...
        • Ganito ka ba?
        • Sabay sabay natin salubungin ang umaga
        • UNO!

    TAG'ETSS

    • bolex (10)
    • komentaryo (6)
    • kwento (4)
    • literatura (10)
  • Search






    • Home
    • Posts RSS
    • Comments RSS
    • Edit

    © Copyright Bolex ni William. All rights reserved.
    Designed by FTL Wordpress Themes | Bloggerized by FalconHive.com
    brought to you by Smashing Magazine

    Back to Top