Showing posts with label kwento. Show all posts
Showing posts with label kwento. Show all posts

Sunday, October 17, 2010

Three months - Breaking the Silence.

It’s been three months, everything seems fine. It’s been three months, my cellphones seems not so active from any messages (well except for the GM’s). It’s been three months, since I pamper myself to any social networks that worth to post my statuses.  It’s been three months, were you decided to end the “US”. It’s exactly three months, today, when we end the relationship that we had. We broke up.

I’d been so silent. I am scared to talk about the broke up issue. My hordes of amigos always ask me if I am Okay, if I am like this and like that, and I am so so sick of it. I never let them see my face not smiling but still, still, sometimes pretending is not good enough. I am aware that I need to let things out though it is kinda hard and there is no easy way to let this pass.

I think I should let you know what I really feel. I never felt this way before, so broken, worn-out, tattered, and unfortunately in Tumlbrs perspective, FOREVER ALONE. This is not supposed to be the ending that we talked about before. I am wrong. WE were so wrong. IKR, we were like in “-teens” of age and we had so much fun and plans. “Always” and even “Forever” right? I just want you to ask that night WHY? Why gave up so easily now where in the right age. Were mature people, responsible enough to do take care of each other, on our own mess. We had been so much of trials and issues; we sued as creating bad image in our dormitory and fortunately we surpassed that problem. I gave so much damn time to be with you. Yes I do, I do always want to be with you. Stay beside you, holding your soft pair of hand, your beautiful eyes that always leave me breathless when you stare at me, your smiles that always made my day. I miss you. I do really miss you. And when I say I miss you, you know I’m talking about. I MISS YOU A LOT.


I have so much want to say for you but I’d rather to tell it no more. After all there is no sense for that, before I forget I just want you to know that after three months I AM OK NOW. I AM FINE NOW. I am happy with my friends now. They are really something, something worthy to keep. I can’t deny that our relationship caused me a lot and YES! You really are something to me too. Thank you for helping me realize that here, here in this world that is full of shit, there is really someone out there for me. One last time let me say it to you. I LOVED You.



Monday, October 12, 2009

TO BEAT More or Less 30Mins.

Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.

Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.

Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.

Tuesday, September 1, 2009

My Second Hometown at 100...

This post is in line with the celebration of 100 years of Baguio.


Floral whiff, strawberry spree, endless sweetness of peanut brittles, cultural variations, amazing 360 degree head turning scenic view. Some of these are so popular to the people of the Philippines, not only native Filipinos but also different tourist around the world. This is Baguio, the summer capital of the Philippines. But also some of them only know that September 1, 2009 is the Baguio Centennial celebration and Fostering a culture of caring as the theme.

Oh well, of course like the conventional way I would like to congratulate the City of Baguio for celebrating 100 years of caring, keeping the ingenuity and as well as promoting the culture of its own.

- - Kung alam lang nila kung gaano ka kayaman, mas mayaman ka pa sa gobyerno - -

Baguio City, I almost stayed three and half year here, I deem this place as my second hometown where I leaned the true significance of education, the ups and downs of love and most of all the respect for friendship.

All in all, more than 35 times na din ako akya't baba ng Baguio, dahil sa enrollment, term break, Christmas break, Semstral break at kung ano - ano pang break. Masasabi ko, dami din nagbabago sa Baguio. Climate, weather, policies, structures, people halos lahat. Sa malamig na lugar na ito hindi lang nagbago ang mainit na pagtanggap sakin ng mga tao. Dito ko nakita ang totoong paraiso, na kung saan pwede kang gumawa ng kabaitan, mga panahong masasadlak ka sa kasamaan at iba't ibang uri at klase na magpapasaya sayo. Kaibigan, Kaklase at kaIBIGAN. Madami din akong natutunan dito, magbilang na ang simula ay 0, natuto din akong tignan ng mabuti ang dinadaanan ko lalo na pag foggy [Hehe. Makakabangga ka for sure pag hindi mo ginawa ang sinabi ko.], first time kong lakarin ang mall [SM, malapit lang sa dorm namin eh. Hehe] at madami pang iba pero higit sa lahat wala ng makakatalo pa ay ang natutunan ko kung pano makipag kapwa tao, sa dami ng kultura at iba't ibang lahi na nandito sa Baguio ay talagang sinubok ang pakikisama ko sa mga tao.


Madaming Salamat sayo Baguio. Hinubog mo ako.

Saturday, May 16, 2009

Maraming 'K', Karanasan.

"The only source of knowledge is experience."

Isa yan sa mga sinabi ni pareng Albert Einstein nung nabubuhay siya ng makatext ko siya minsan. Pero wala lang, gusto ko lang ilagay. Hehe. Pasensya kumpare. Mas maganda siguro kung sarili kong pakahulugan ng karanasan, batay sa aking sariling karanasan...

Sa bawat bagong taon na pag gawa ng "New Years Resolution" kuno, sa bawat monthsaries ng dalawa o tatlong pusong nagmamahalan, sa bawat araw na may isinisilang at namamatay (Yak, makalumang style.) sa bawat oras, minuto at segundo na katext mo ang crush mo tiyak na may natutunan kang bago.

Simula nung nag aral ako nung Kinder may mga naging instructor akong nakakatakot, minsan kamukha pa ni Ms.Minchin. Pero mas kinakatakutan kong lecturer eh ang karanasan, mas nauuna niya kasing binibigay ung pag susulit bago yung matutunan ko.

Nalaman ko din na dapat kahit anong oras handa ka sa kahit anong pwedeng mangyari sayo. Pwedeng sa isang iglap sa tapat ng simbahan may manampal sayo, sa pag hihintay mo sa tapat ng boarding house ng crush mo hindi ka niya lalabasin, na pedeng araw-araw merong bahagharing aakit sa mga mata mo at may tsokolateng magpapatanggal ng kalungkutan mo.

Pwedeng namang magkaparehas ng pinagdaanan pero mag kaiba sa desisyon at kinalabasan.

"Mag kakaiba tayo ng karanasan, pwedeng sa maging desisyon at kakalabasan; kaya wag mo i.apply ang kowts na sa palagay mong pwedeng magkatulad na napag pasahan na ng buong mundo na meron ka sa telepono mo... "

-wiLL

Monday, February 2, 2009

Taghoy ng isang estudyante (Uno!)

Date: 01, 29, 2008
Time: 8:39am
Setting: S324


Kinakain na naman nya ako (tingin sa paligid) MALI!, hindi lang pala ako...


Sa isang silid sa gusali ng Silang, same set-up, papasok ako ng kaibigan ko nagdadaldal na ang instructor ko, pangalanan na lang natin siya Sir.Dark (literally yan ang kulay nya...), Remote Procedure Call, Distributed System, Client – Server Architecture, WHATEVER!. Hindi pa din siya tumitigil magkwento kahit alam nyang mga labing-isa lang ang nakikinig sakanya sa bilang ng dalawampu’t pitong estudyante nya (late kasi yung iba, dapat singkwenta kami).

Ginagawa ng mga kamag-aral ko? Sa likod ko ngayon nagtetext (tiktiktik.. tunog ng keypad habang kinikilig siya), tawagin na lang natin siya sa pangalang Kitty“kitext”. Nasa tabi ko naman, sa kanan, gumuguhit at naglelettering ng walang kamatayang pangalan niya, Ay! sinama niya din ang pangalan ko at ng iba pa naming kasamahan (pero infairness maganda), tawagin natin siyang Mr.Karir (pag nabasa mo to at napagtanto mong ikaw to, wala lang, gusto ko lang yan ang tawag sayo). Paano naman ang katabi ko sa kaliwa? Wala pa, late lagi yun at sa tuwing darating sa klase ay bitbit ang kanyang violin, tawagin ko siyang Ms.Ideal (oo yan na lang naisip ko kasi wala akong masabi sakanya, maganda,mabait at matalino, uiiii. Wateber!..). May biglang pumasok na kamag-aral habang kumakain ng mansanas at umupo sa likuran, pakiramdam niya siguro picnic lang ang pupuntahan niya (naiinggit ako, nagugutom kasi ako, hindi ko masyadong nagustuhan ang agahan ko. Ayoko na banggitin kung ano yung menu!), AKO? katulad ng mga kamag–aral ko, hindi nakikinig, nagsusulat ng isang akda (na umaasang matapos bago ang klase ng mabasa agad), si Sir.Dark ay binabalahura. Pare-parehas kami nilamon ng “DISTRACTION”.


Tumingin ako sa kabilang gusali, sa Perfecto, nakita ko ang isang klase at napansin kong ganun din ang isang estudyante sa klaseng iyong, wala din ang isip sa kanyang silid-aralan. Gusto ko siyang batuhin ng bote ng mineral water (Nature’s Spring ung tatak...) na baon ko at sabihing “Hoy!, isa ka sa amin, hindi ka din nakikinig, siguro gusto mo na din umuwi?

Nagcheck ako ng phone (umilaw ang backlight at nakita ko ang wallpaper na nakalagat “WiLL” naks!), walang nagtext kahit isa. Hinihintay kong text wala pa, naalala ko hindi nga pala siya maaring makapagtext ngayong oras, Haiiii, kailangan ko huminga ng malalim tapos masasabi ko na lang sa sarili ko na sabik na akong makita Siya. Tuldok!.


Habang pagala-gala ang mata ko at naghahanap ng mapagbubuntunan ng kaboringan, “OASIS” (basang basa ko kahit ang pangit ng sulat) nakavandal sa pader ng silid-aralan namin. Naisip ko bigla ang isang tipikal na Oasis sa disyerto, isang paraiso sa gitna ng nagniningning na buhangin kasabay ang pagmamayabang ng lakas ni haring araw. Sinabi ko sa sarili ko “Makakarating at madarama ko ba ang dalisay na tubig doon?”, biglang may bumulong sakin “Paano ka makakarating sa paraisong ninanais mo kung hindi ka makikinig kar Sir.Dark?”. Sa una sinagot ko siya ng “Ano koneksyon ng paraiso kay Sir.Dark?”.

KASHOOOONG! Bigla akong bumalik sa tunay na mundo, nakabalik ako, ganun pa din nagkkwento pa din si Sir.Dark tapos biglang nasa tabi ko na sa kaliwa si Ms.Ideal. Si Kitty“kitext” hindi na nagttext, tumigil na siya, hindi na siguro nakarehistro sa unlimited texting yung katext nyang kinikilig siya. Nakikipagututang dila na lang siya sa bestfriend forever niya, topic nila? mga crushes pa din (patagong kinikilig sila habang naguusap). Si Mr.Karir naman tapos na yung ginuguhit niya, ginagawa naman ngayon? Kinukuhaan ng litrato. Si Ms.Ideal naman, wala, nakatingin lang kay Sir.Dark habang bitbit ang kanyang violin at pinaalalahanan kong bawal mahuli sa klase sa susunod na pagkikita dahil may maikling pagsusulit (tinandaan ko lang yung importante talagang sinabi ni Sir. Naks!). Yung kumakain ng mansanas sa likod, kapansing-pansin na naubos niya at nag enjoy sya, mga buto kasi’y dala niya. Yung estudyante sa kabilang gusali nakikinig na (buti pa siya...) Kami?, wala, walang pagbabago pare-parehong nilalamon pa din ng kanya-kanyang “DISTRACTION”.