"The only source of knowledge is experience."
Isa yan sa mga sinabi ni pareng Albert Einstein nung nabubuhay siya ng makatext ko siya minsan. Pero wala lang, gusto ko lang ilagay. Hehe. Pasensya kumpare. Mas maganda siguro kung sarili kong pakahulugan ng karanasan, batay sa aking sariling karanasan...
Sa bawat bagong taon na pag gawa ng "New Years Resolution" kuno, sa bawat monthsaries ng dalawa o tatlong pusong nagmamahalan, sa bawat araw na may isinisilang at namamatay (Yak, makalumang style.) sa bawat oras, minuto at segundo na katext mo ang crush mo tiyak na may natutunan kang bago.
Simula nung nag aral ako nung Kinder may mga naging instructor akong nakakatakot, minsan kamukha pa ni Ms.Minchin. Pero mas kinakatakutan kong lecturer eh ang karanasan, mas nauuna niya kasing binibigay ung pag susulit bago yung matutunan ko.
Nalaman ko din na dapat kahit anong oras handa ka sa kahit anong pwedeng mangyari sayo. Pwedeng sa isang iglap sa tapat ng simbahan may manampal sayo, sa pag hihintay mo sa tapat ng boarding house ng crush mo hindi ka niya lalabasin, na pedeng araw-araw merong bahagharing aakit sa mga mata mo at may tsokolateng magpapatanggal ng kalungkutan mo.
Pwedeng namang magkaparehas ng pinagdaanan pero mag kaiba sa desisyon at kinalabasan.
"Mag kakaiba tayo ng karanasan, pwedeng sa maging desisyon at kakalabasan; kaya wag mo i.apply ang kowts na sa palagay mong pwedeng magkatulad na napag pasahan na ng buong mundo na meron ka sa telepono mo... "
-wiLL
7 comments:
Ohaoha...
Oo na...unang nagcomment,..
Wihiw...
Trow willwillwill...
sino kaya nagbgay ng idea sau pra magawa ung blog na yan?
Hmmmmm...
Hahaha
haha..
ewan ko din eh.
basta bigla na lang yan..
ung mga halimbawa jan alam mo na kung cno dahilan. haha
ung 2 epal.. U
Anglupet naman ni Pareng Einstein.. Baket sayo nagtetext back cya.. Last text nya sakin nung tinanong ko kung asan cya
Eto sagot nya --> E2 nsa MC-SquareKala ko Nasa Makati Cinema Square cya
Law of Relativity pala un hahaha..
E=mc2
Actually, ung text nyang yun (E2 nsa MC-Square); Text ko un sa kanya, na-forward nya lang sa akin ulet kc busy cya sa experiments nya.
magkikita sana kami dun (MC-Square) tapos pupunta kami sa DOST para i-propose ung UTOT-experiment.
Dko alam dun pala sa text kong yun nya na-formulate ung Law of relativity.. kung alam ko lang sana.. tsk.. tsk.. tsk..
Ganito nya nakuha ung pattern:
Einstein is in Makati Cinema Square (2)
E=mc2
how about book? :)
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Post a Comment