Showing posts with label komentaryo. Show all posts
Showing posts with label komentaryo. Show all posts

Monday, October 12, 2009

TO BEAT More or Less 30Mins.

Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.

Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.

Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.

Tuesday, September 1, 2009

My Second Hometown at 100...

This post is in line with the celebration of 100 years of Baguio.


Floral whiff, strawberry spree, endless sweetness of peanut brittles, cultural variations, amazing 360 degree head turning scenic view. Some of these are so popular to the people of the Philippines, not only native Filipinos but also different tourist around the world. This is Baguio, the summer capital of the Philippines. But also some of them only know that September 1, 2009 is the Baguio Centennial celebration and Fostering a culture of caring as the theme.

Oh well, of course like the conventional way I would like to congratulate the City of Baguio for celebrating 100 years of caring, keeping the ingenuity and as well as promoting the culture of its own.

- - Kung alam lang nila kung gaano ka kayaman, mas mayaman ka pa sa gobyerno - -

Baguio City, I almost stayed three and half year here, I deem this place as my second hometown where I leaned the true significance of education, the ups and downs of love and most of all the respect for friendship.

All in all, more than 35 times na din ako akya't baba ng Baguio, dahil sa enrollment, term break, Christmas break, Semstral break at kung ano - ano pang break. Masasabi ko, dami din nagbabago sa Baguio. Climate, weather, policies, structures, people halos lahat. Sa malamig na lugar na ito hindi lang nagbago ang mainit na pagtanggap sakin ng mga tao. Dito ko nakita ang totoong paraiso, na kung saan pwede kang gumawa ng kabaitan, mga panahong masasadlak ka sa kasamaan at iba't ibang uri at klase na magpapasaya sayo. Kaibigan, Kaklase at kaIBIGAN. Madami din akong natutunan dito, magbilang na ang simula ay 0, natuto din akong tignan ng mabuti ang dinadaanan ko lalo na pag foggy [Hehe. Makakabangga ka for sure pag hindi mo ginawa ang sinabi ko.], first time kong lakarin ang mall [SM, malapit lang sa dorm namin eh. Hehe] at madami pang iba pero higit sa lahat wala ng makakatalo pa ay ang natutunan ko kung pano makipag kapwa tao, sa dami ng kultura at iba't ibang lahi na nandito sa Baguio ay talagang sinubok ang pakikisama ko sa mga tao.


Madaming Salamat sayo Baguio. Hinubog mo ako.

Wednesday, June 17, 2009

(Hindi ko alam ang Title.. ^^)

Last semester ko pa pala ginawa ito, wala lang ngayon ko lang napost. Haha. Hindi ko alam na nasave ko pala, trip lang ito eh, alam ko nagwa ko ito nung hindi ako nakikinig sa klase ko. Haha.
And here it goes.(Aii, may mga mali pa ata. Haha)


Masarap isiping maging isang alagad ng sining.
Malaya, matapang at may pinaparating.


Bilang PINTOR, wala kang pakialam sa kulay
at maging sa tinta na gagamitin ko...

bilang MANG-AAWIT, makinig ka na lang sa melodiya

at himig na ihahandog ko...

bilang MANANAYAW, umindak at sumabay ka na lang
sa pag-indayog ng aking katawan...

bilang MANG-UUKIT, titigan mo ang bawat pagpukpok
at paghuhulma na isang huwaran tulad ng isang bantayog...

at bilang MANUNULAT, salungatin mo 'man ang mga ideya, opinion at reaksyon ko
sariling parirala'y hindi mapipigilang mailathala.


Maaring maging iba't iba ang paraan ng isang biniyayaan ng kahusayan
sa aspeto ng sining, ngunit, subali't datapwat, sa huli'y nag iisa lang ang layunin.
Maipakita, maiparinig, maipadama at maipabasa ang saloobin,
saloobin at hinaing na dapat hindi ikinikubli.

Monday, April 27, 2009

Isang Malaking Kaepalan

Wala lang ako magawa nung ginawa ko to, nakakapagod naman daw kc gumawa ng wala kaya eto ung nangyari. Bigla ko lang naisip na gumawa ng banner na pang promote sa blog ko, sabi ko sayo isang malaking kaepalan lang 'to e.

Gusto ko din sana gamitin para banner ko sa blog na 'to kaso wag na lang muna, nakakatamad, OO innate sakin yung katamaran ko. Kahit simpleng bagay pag tinamad ako, hindi ko talaga gagawin. Hehe.




"Suntok, mura, sampal o sipa man ang matanggap mo
wag kang susuko. Yun lang naman yun.
Maiwan at masaktan na ang lahat,
wag lang ang puso at utak mo. Masakit yun. Promise!"

-wiLL

Thursday, October 30, 2008

Araw na nila...

“Father of all, we pray to thee for those we love, but see no longer: Grant them thy peace; let light perpetual shine upon them; and in thy loving wisdom and almighty power, work in them the good purpose of thy perfect will; through Jesus Christ our Lord.”


Unang araw sa buwan ng Nobyembre, kandila, posporo, palito, kuto, kutsilyo, simenteryo. Ilan lang yan sa mga papasok sa utak mong magulo sa tuwing masasambit ang “Araw ng mga Patay” o kung maarte ka at kunwaring hindi ka nakakaintindi ng tagalog, “All Saints Day”.

Sa buhay ng mga Pilipino, sa araw na ito nila pinupuntahan ang mga yumaong mahal nila sa buhay, naisip ko minsan na may yumao kayang dinadalaw na hindi nila mahal sa buhay?. Nagpupunta sila sa puntod upang alalahanin ang sumalangit na kapamilya, kapuso o kabarkada na kung saan lilinisin nila ang himlayan nito, pag aalayan ng bulaklak at magtitirik ng kandila, ibat ibang kulay pa. Naks!.

Ito din ang mga panahon kung saan bida ang nakakatanda nyong kapatid; mayabang, mapanukso, tuso at buraot sa buhay mo dahil sa walang sawang pananakot sayo. Totoo yan, Gawain ko yan, kahit wala akong kapatid, suki nga mga pinsan kong bata.

BIGBRO: “Halaaaa.. may mamumugot dyan ng ulo sa kwarto mo..”

NAKABABATA: “Nyenye wala naman..”

BIGBRO: “Whooo.. hala ka mamaya, merong kabaong dadaan sa kwarto mo”

NAKABABATA: “Nyenye.. nanakot ka lang..” (tonong takot na)

BIGBRO: “BWHAHAHAHA!” (tawang mapang-asar)

NAKABABATA: “Kala mo dyan.. MAMA!!!!!!!!!!!!!!!!!” (Ngal-ngal sa takot)

Hindi rin papatalo ang mga media people, T.V, Radio, ano pa ba? basta clan na yun.. Ipinapalabas nila ang ibat ibang ekspiryensa ng mga tao na nakakita “daw” ng mga white lady, black lady, yellow lady, brown lady, blue lady at kahit ano pang may lady, Oo kahit nga si sexy lady kasali. Aswang, tikbalang, mananaggal, pugot-ulo, pugot-paa, pugot-kamay, pugot-kuko, pugot-tenga at kahit ano pang napugot, sila ang mga ilang bida sa Araw ng mga Patay, hindi sila papahuli sa eksena, hindi pedeng hindi sila bida, gagawa sila ng paraan para magpapansin.



Andyan din pala sila boy at nene. Kung akala mo hindi mo pa sila nakikilala o namemeet, nagkakamali ka, hindi mo lang siguro talaga sila napapansin o naiisahan ka lang tlaga nila. Sila ang mga batang pakalat kalat sa sementeryo na kung saan kumukuha ng kung ano mang mga bagay na iniiwan mo sa nitso ng iyong minamahal sa buhay. Nag aagawa pa yang mga yan. Unang target nila, KANDILA!, magatataka ka kung bakit bumili ka lang ng inumin eh naubos na agad ang kandilang alay mo, korny naman kung iisipin mong kinain yun ng pinag alayan mo. Kaya ang suggestion ko lang dyan, kung magtitirik ka ng kandila siguraduhin mong maikli lang, mga limang pulgada (5in.) para mabilis maubos. Marami na ang gumagawa ng pag nanakaw ng kandila ngayon, isa na rin siguro sa kahirapan ngayon at kamahalan ng mga bilihin. Shems! kandila na lang ninanakaw pa.Amp

Sa pagdalaw sa puntod ng yumaong kapamilya, kapuso o kabarkada ay kailangan ng tibay ng mga paa upang sa paglalakad at paghihintay sa ilalim ni haring araw, pasensya sa mga taong nakakabanga sayo na hindi man lang humihingi ng patawad at pakiramdam sa mga mandurukot. Madaming taong nagpupunta sa simenteryo, hindi biro ang bilang ng mga taong nagpupunta upang madalaw nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ano nga ba talaga ang diwa ng Araw ng mga Patay, para sakin ang Araw ng mga Patay ay ginaganap upang maalala natin sila kahit na nasa kabilang panig na sila ng mundo. Minsan lamang to mangyari sa isang taon, at kung idadahilan mo sakin na ok lang kahit na hindi mo sila puntahan sa puntod nila dahil nasa puso mo naman sila, hindi ba mas maganda din naming ipinapakita natin at ipinadarama natin sakanila na importante pa din sila.

Wednesday, October 29, 2008

Ganito ka ba?

Hindi ko alam kung anong reaksyon, hinaing at dadamdamin ang dapat kong iparating nang nabasa ko sa net ang kumakalat na liham (tingnan ang larawan sa baba)..


ANG HAMON:

1. Gawan mo ako ng thesis ukol sa sulat na ito?

2. Ipabitay ang gumawa nito (loko lang)

3. Kilalanin kung sino ang "mapalad" na lalaking pinag-aagawan ni Marijie at ni "The sexiest girl of D.M" XD

4. " . . . PIG, FAT, OBESSED, OVERWEIGHT, AND UGLYSHAPE girl"
I-arrange ayon sa bigat ng kahulugan na dala ng mga sumusunod na salita na nabanggit sa liham. P.S APA style.

5.
(Totoong sagot kailangan ko), Natawa ka ba? Oo? o Hindi?