Wednesday, June 17, 2009

(Hindi ko alam ang Title.. ^^)

Last semester ko pa pala ginawa ito, wala lang ngayon ko lang napost. Haha. Hindi ko alam na nasave ko pala, trip lang ito eh, alam ko nagwa ko ito nung hindi ako nakikinig sa klase ko. Haha.
And here it goes.(Aii, may mga mali pa ata. Haha)


Masarap isiping maging isang alagad ng sining.
Malaya, matapang at may pinaparating.


Bilang PINTOR, wala kang pakialam sa kulay
at maging sa tinta na gagamitin ko...

bilang MANG-AAWIT, makinig ka na lang sa melodiya

at himig na ihahandog ko...

bilang MANANAYAW, umindak at sumabay ka na lang
sa pag-indayog ng aking katawan...

bilang MANG-UUKIT, titigan mo ang bawat pagpukpok
at paghuhulma na isang huwaran tulad ng isang bantayog...

at bilang MANUNULAT, salungatin mo 'man ang mga ideya, opinion at reaksyon ko
sariling parirala'y hindi mapipigilang mailathala.


Maaring maging iba't iba ang paraan ng isang biniyayaan ng kahusayan
sa aspeto ng sining, ngunit, subali't datapwat, sa huli'y nag iisa lang ang layunin.
Maipakita, maiparinig, maipadama at maipabasa ang saloobin,
saloobin at hinaing na dapat hindi ikinikubli.

2 comments:

Goryo said...

Hindi ko akalaing may pagka-artistic ka pala parekoy.. Wala bang Sining ng Pagsasayaw dito? yung mala- Katrina Halili and Hayden Ko.. I'll never gonna dance again.. hehehe

peace Katrina and hayden =)

Liam said...

Haha..
Masyado na silang sikat parekoy.
Ayoko nang pati sa blog ko eh hahakot pa sila na pangalan.
Hahaha..