Minsan napaisip ka ba at nasabing, “ako pa ba ‘to?”...
Madaming pangarap, ninanais at mga hangarin...
minsan sa di inaasahang pagkakataon nililipad ito ng hangin,
sabay nito ang pagbasak mo ng matagal na tila sa isang bangin.
Subukan mo kayang tumayo’t iyo itong habulin.
Hindi ka na nagiging mabuting tao,
hinga at tawa mo, tingin nila isa kang dyablo.
Sa paglaki mo, pupukaw sa isipan mo
Hindi na ikaw ang inaasahan mo na dapat maging ikaw.
Wala ka nang silbing katipan
maging sa akademya, trabaho lalo na sa kaibigan.
Lahat ng ng bigat sa dibdib iyo ng nararamdaman,
At kung mamalasin, makakasama mong tao ay yung kaya ka pang iwan
Maiisip mo, paano mo pupunan ang iyong mga kakulangan.
Tapos masasabi mo na lang “ako pa ba ‘to? ”
No comments:
Post a Comment