Last semester ko pa pala ginawa ito, wala lang ngayon ko lang napost. Haha. Hindi ko alam na nasave ko pala, trip lang ito eh, alam ko nagwa ko ito nung hindi ako nakikinig sa klase ko. Haha.
And here it goes.(Aii, may mga mali pa ata. Haha)
Masarap isiping maging isang alagad ng sining.
Malaya, matapang at may pinaparating.
Bilang PINTOR, wala kang pakialam sa kulay
at maging sa tinta na gagamitin ko...
bilang MANG-AAWIT, makinig ka na lang sa melodiya
at himig na ihahandog ko...
bilang MANANAYAW, umindak at sumabay ka na lang
sa pag-indayog ng aking katawan...
bilang MANG-UUKIT, titigan mo ang bawat pagpukpok
at paghuhulma na isang huwaran tulad ng isang bantayog...
at bilang MANUNULAT, salungatin mo 'man ang mga ideya, opinion at reaksyon ko
sariling parirala'y hindi mapipigilang mailathala.
Maaring maging iba't iba ang paraan ng isang biniyayaan ng kahusayan
sa aspeto ng sining, ngunit, subali't datapwat, sa huli'y nag iisa lang ang layunin.
Maipakita, maiparinig, maipadama at maipabasa ang saloobin,
saloobin at hinaing na dapat hindi ikinikubli.