Saturday, May 16, 2009

Maraming 'K', Karanasan.

"The only source of knowledge is experience."

Isa yan sa mga sinabi ni pareng Albert Einstein nung nabubuhay siya ng makatext ko siya minsan. Pero wala lang, gusto ko lang ilagay. Hehe. Pasensya kumpare. Mas maganda siguro kung sarili kong pakahulugan ng karanasan, batay sa aking sariling karanasan...

Sa bawat bagong taon na pag gawa ng "New Years Resolution" kuno, sa bawat monthsaries ng dalawa o tatlong pusong nagmamahalan, sa bawat araw na may isinisilang at namamatay (Yak, makalumang style.) sa bawat oras, minuto at segundo na katext mo ang crush mo tiyak na may natutunan kang bago.

Simula nung nag aral ako nung Kinder may mga naging instructor akong nakakatakot, minsan kamukha pa ni Ms.Minchin. Pero mas kinakatakutan kong lecturer eh ang karanasan, mas nauuna niya kasing binibigay ung pag susulit bago yung matutunan ko.

Nalaman ko din na dapat kahit anong oras handa ka sa kahit anong pwedeng mangyari sayo. Pwedeng sa isang iglap sa tapat ng simbahan may manampal sayo, sa pag hihintay mo sa tapat ng boarding house ng crush mo hindi ka niya lalabasin, na pedeng araw-araw merong bahagharing aakit sa mga mata mo at may tsokolateng magpapatanggal ng kalungkutan mo.

Pwedeng namang magkaparehas ng pinagdaanan pero mag kaiba sa desisyon at kinalabasan.

"Mag kakaiba tayo ng karanasan, pwedeng sa maging desisyon at kakalabasan; kaya wag mo i.apply ang kowts na sa palagay mong pwedeng magkatulad na napag pasahan na ng buong mundo na meron ka sa telepono mo... "

-wiLL