Sa buhay ng mga Pilipino, sa araw na ito nila pinupuntahan ang mga yumaong mahal nila sa buhay, naisip ko minsan na may yumao kayang dinadalaw na hindi nila mahal sa buhay?. Nagpupunta sila sa puntod upang alalahanin ang sumalangit na kapamilya, kapuso o kabarkada na kung saan lilinisin nila ang himlayan nito, pag aalayan ng bulaklak at magtitirik ng kandila, ibat ibang kulay pa. Naks!.
Ito din ang mga panahon kung saan bida ang nakakatanda nyong kapatid; mayabang, mapanukso, tuso at buraot sa buhay mo dahil sa walang sawang pananakot sayo. Totoo yan, Gawain ko yan, kahit wala akong kapatid, suki nga mga pinsan kong bata.
BIGBRO: “Halaaaa.. may mamumugot dyan ng ulo sa kwarto mo..”
NAKABABATA: “Nyenye wala naman..”
BIGBRO: “Whooo.. hala ka mamaya, merong kabaong dadaan sa kwarto mo”
NAKABABATA: “Nyenye.. nanakot ka lang..” (tonong takot na)
BIGBRO: “BWHAHAHAHA!” (tawang mapang-asar)
NAKABABATA: “Kala mo dyan.. MAMA!!!!!!!!!!!!!!!!!” (Ngal-ngal sa takot)
Hindi rin papatalo ang mga media people, T.V, Radio, ano pa ba? basta clan na yun.. Ipinapalabas nila ang ibat ibang ekspiryensa ng mga tao na nakakita “daw” ng mga white lady, black lady, yellow lady, brown lady, blue lady at kahit ano pang may lady, Oo kahit nga si sexy lady kasali. Aswang, tikbalang, mananaggal, pugot-ulo, pugot-paa, pugot-kamay, pugot-kuko, pugot-tenga at kahit ano pang napugot, sila ang mga ilang bida sa Araw ng mga Patay, hindi sila papahuli sa eksena, hindi pedeng hindi sila bida, gagawa sila ng paraan para magpapansin.
Andyan din pala sila boy at nene. Kung akala mo hindi mo pa sila nakikilala o namemeet, nagkakamali ka, hindi mo lang siguro talaga sila napapansin o naiisahan ka lang tlaga nila. Sila ang mga batang pakalat kalat sa sementeryo na kung saan kumukuha ng kung ano mang mga bagay na iniiwan mo sa nitso ng iyong minamahal sa buhay. Nag aagawa pa yang mga yan. Unang target nila, KANDILA!, magatataka ka kung bakit bumili ka lang ng inumin eh naubos na agad ang kandilang alay mo, korny naman kung iisipin mong kinain yun ng pinag alayan mo. Kaya ang suggestion ko lang dyan, kung magtitirik ka ng kandila siguraduhin mong maikli lang, mga limang pulgada (5in.) para mabilis maubos. Marami na ang gumagawa ng pag nanakaw ng kandila ngayon, isa na rin siguro sa kahirapan ngayon at kamahalan ng mga bilihin. Shems! kandila na lang ninanakaw pa.Amp
Sa pagdalaw sa puntod ng yumaong kapamilya, kapuso o kabarkada ay kailangan ng tibay ng mga paa upang sa paglalakad at paghihintay sa ilalim ni haring araw, pasensya sa mga taong nakakabanga sayo na hindi man lang humihingi ng patawad at pakiramdam sa mga mandurukot. Madaming taong nagpupunta sa simenteryo, hindi biro ang bilang ng mga taong nagpupunta upang madalaw nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ano nga ba talaga ang diwa ng Araw ng mga Patay, para sakin ang Araw ng mga Patay ay ginaganap upang maalala natin sila kahit na nasa kabilang panig na sila ng mundo. Minsan lamang to mangyari sa isang taon, at kung idadahilan mo sakin na ok lang kahit na hindi mo sila puntahan sa puntod nila dahil nasa puso mo naman sila, hindi ba mas maganda din naming ipinapakita natin at ipinadarama natin sakanila na importante pa din sila.