Sunday, October 17, 2010

Three months - Breaking the Silence.

It’s been three months, everything seems fine. It’s been three months, my cellphones seems not so active from any messages (well except for the GM’s). It’s been three months, since I pamper myself to any social networks that worth to post my statuses.  It’s been three months, were you decided to end the “US”. It’s exactly three months, today, when we end the relationship that we had. We broke up.

I’d been so silent. I am scared to talk about the broke up issue. My hordes of amigos always ask me if I am Okay, if I am like this and like that, and I am so so sick of it. I never let them see my face not smiling but still, still, sometimes pretending is not good enough. I am aware that I need to let things out though it is kinda hard and there is no easy way to let this pass.

I think I should let you know what I really feel. I never felt this way before, so broken, worn-out, tattered, and unfortunately in Tumlbrs perspective, FOREVER ALONE. This is not supposed to be the ending that we talked about before. I am wrong. WE were so wrong. IKR, we were like in “-teens” of age and we had so much fun and plans. “Always” and even “Forever” right? I just want you to ask that night WHY? Why gave up so easily now where in the right age. Were mature people, responsible enough to do take care of each other, on our own mess. We had been so much of trials and issues; we sued as creating bad image in our dormitory and fortunately we surpassed that problem. I gave so much damn time to be with you. Yes I do, I do always want to be with you. Stay beside you, holding your soft pair of hand, your beautiful eyes that always leave me breathless when you stare at me, your smiles that always made my day. I miss you. I do really miss you. And when I say I miss you, you know I’m talking about. I MISS YOU A LOT.


I have so much want to say for you but I’d rather to tell it no more. After all there is no sense for that, before I forget I just want you to know that after three months I AM OK NOW. I AM FINE NOW. I am happy with my friends now. They are really something, something worthy to keep. I can’t deny that our relationship caused me a lot and YES! You really are something to me too. Thank you for helping me realize that here, here in this world that is full of shit, there is really someone out there for me. One last time let me say it to you. I LOVED You.



Wednesday, February 3, 2010

Ismayl.

ISMAYL.

Kahit na sapalagay mo mag-isa ka.
Kahit pakiramdam mo wala kang kasama.
Kahit na sa darating na araw ng mga puso ay single ka.
Kasi akala mo walang nagmamahal sau.



ISMAYL.

Kahit na huli na ang lahat.
Kahit ang mahal mo ay may bago na.
Kahit na pinipigilan ka pa niya.
Kasi akala mo hindi ka na niya mahal.


ISMAYL.

Kahit na pinagalitan ka ng adviser mo.
Kahit na kulang pa mga outputs mo.
Kahit pagod ka na sa lahat ng sumbat nya.
Kasi akala mo hindi naaapreciate ang gawa mo.


ISMAYL.

Kahit na binabalewala ka.
Kahit tingin nila sayo childish ka.
Kahit paratang nila sayo iba-iba.
Kasi akala mo hinihila ka nila pababa.



Huwag mo kalimutang masaya ang buhay.
Kahit na hindi ka na binibigyan ng mundo ng rason para maging masaya.
Pinipili lang natin maging malungkot.
Huwag kang gagaya sakin. Masakit yun. Sige ka.
Kaya kung ako sayo. ISMAYL.

Friday, October 30, 2009

Missing you, MY WOMAN

October 29, 2009 naiwan ako mag isa sa Baguio, umuwi mga kaibigan ko sa POORbinsya nila [Joke lang c: ]. Nagutom ako nagpunta ako ng SM para bumili ng makakain siyempre. Napunta ako ng Quantum [Oo, yung amusement center sa SM Baguio] nakakita ako ng nagsasayaw sa kawalan na parang tanga, naglalaro ng baril-barilan na pakiramdam nila eh makatotohanan, shoot-shootan habang nagyayabang, suntok-suntukan, una-unahan. Pero wala silang saysay sa tala kong ito.

May umagaw ng pansin ko sa lugar na yun, nakakita ako ng batang lalaki, mataba siya, gusgusin [kakatapos lang niya ata kumain ng paborito nyang ice cream ] sa tingin ko mga 6 years old lang siya. Nasa palaruaan ng karera ng mga sasakyan, USA Daytona ata yung name nun. Wala lang, nakakatuwa siya tignan, aliw na aliw siya sa nilalaro niya tapos hindi maabot ng maikli nyang binti ang accelerator. Nakita ko may nanood sa likod, his Mom. Tuwang tuwa yung mama nya habang pinapanood siya . Naalala ko bigla Mom ko, wala lang, wala akong matandaang moment na nangyari samin yun ni mama. Sa sobrang inggit ko umalis na lang ako, nagpunta ako sa isang store, nakakita ako ng isang binata, napili siya ng damit niya, nakapili, umalis, saan siya pumunta?, to his Mom. Naalala ko ulit si mama ko, Masaya kasi pag si mama kasama ko mamili ng damit, siya nagbabayad eh [Haha. Except namimili siya para sakin. :p]

16 years na akong nag aaral, nakasama ko lang Mom ko sa mga panahong umakyat ako ng stage eh noong graduation ko lang ng High School ako. Wala ng iba, the rest? my very own Lola. Wala din akong matandaan na tinuruan ako ng Mom ko about sa mga subjects ko sa school. Kahit 1 + 1, hindi ko sakanya natutunan, unang kantang natutunan kong awitin, title niya “Miss na Miss Kita” ng Aegis hindi din siya ang nagturo. Kung bibilangin, mas maunti ang panahon na nagkasama kami ng Mom ko kaysa sa magkalayo kami. Hindi ko man natutunan sa tulong ni Mama ang mga nakasulat sa librong nabasa at napagaralan ko na, sakanya ko naman natutunan at nalaman kung paano maging isang William na hindi natutunan ng iba.

Ma, wag ka mag alala, mapapagsuot kita ng gown gaya ng pangarap mo para sa graduation ko ngayong kolehiyo, Miss you Mom, Thank You so much. I Love You.

Monday, October 12, 2009

TO BEAT More or Less 30Mins.

Straight to the point na, hindi ko na kilangan ng magandang introduction. Hindi dahil sa hindi akma magkaroon ng panimula sa lathain kong ito kundi dahil sa wala talaga akong naiisip na pangsimula. Napansin ko ng mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, nawalan ako ng gana sa pagsusulat.

Ninakaw ng academics ko ang hilig kong mag epal sa blog ko. Nakisabay ang angking titik at letrang matapang sa pagdalamhati kay Tita Cory. Mga pagmamayari kong taludtod na walang kupas unti-unting tinangay ni Ondoy at maging magkakatugmang saknong nilapastangan din ni Pepeng.

Marami na akong nakitang luha’t hinagpis, tawa at halakhak sa bawat siraan ngunit wala pa din akong ginawa. Naamoy ko na ang baho ng bawat isa, kahit ng sarili kong paaralan at ng kandidatong sana ay iboboto ko sa darating na halalan, hindi ko naman natakpan. Nalaman ko na ang nanalo sa himagsikan sa gitna ng “starfish” at “dove” [hindi yun pigeon! argh.] mas pinili ko namang itikom ang bibig ko. Nadama’t nakita ang mga hinagpis ng mga kapwa kong nawalan ng masisilungan lalo na noong mga panahon ng pag momodel ni Ondoy at Pepeng sa ating bayan. Pilit ko pa din na pinaniwala ang sarili kong magiging maayos ang lahat sa pagtutulungan, ngunit para sakin parang kulang. May isang parte pa din para sakin ang nawawala. Natanong ko na lang kinagabihan. “Bakit hindi ko sinimulan?” Malamang maging sa pagsusulat ko, ganoon din ang dahilan.